Wednesday, February 15, 2006
02.14.06
matalino daw ako. composed. matigas.
pero pag puso ang pinag uusapan, marami- raming beses na yatang i haven't been me. noon, sabi ko. pag dumating sya, yun na yun. walang bitawan. walang ayawan. pero hindi pala kasing simple ng 1+1 ang pag- ibig. may pagkakataong napagod ako. walang mali. lahat ok. pero hindi pala yun ang inaakala kong yun na yun. may pagkakataong, magpapahinga muna ang pusong pagod. may pagkakataong may kumatok. matalino nga bang magpapasok uli? matalino man o hindi, nandun n naman. yun. fairytale romance. saya. kala mo uli yun na yun. hindi pa rin pala. at sa isang di inaasahang pagkakataon matapos ang mahaba habang pamamahinga, muling nasubukan ang ating katalinuhan. palpak nga sigurong matatawag. may mga bagay na sadyang hindi para sa atin. meron namang gagong ayaw mong papasukin pero sadyang nandon na even before you know it. subalit hindi pwede. maling simula. maling pagkakataon. kung may tamang panahon man. ayoko nang hintayin. masaya na akong kahit sa habambuhay na eto ay mag pagkakataon para sa atin.
siguro nga hindi kelangang maging matalino pagdating sa pag- ibig. hindi kelangang matigas. dahil ang puso daw pag tumibok hahamakin ang lahat masunod ka lamang. hay. valentine rush.
can you feel the beat?
12:23 PM